Kay sarap damhin ng padalus- dalos na hangin.
Hapong katawan may lunod sa pawis,
Balat may sunog sa init.
At sa pag-usad ng oras
Kaiga-igaya ang pagtunghay sa mga butil na sandigan ng buhay…
Pumawi ng lumbay sa nakakunot na kilay,
Nagbigay kulay sa mukhang matamlay,
Umaagapay sa sikmurang naghihintay,
Mula pa noon, sa ngayon at sa darating na panahon.
MARAMING SALAMAT!
Sa mga alaalang di basta-basta malilimutan;
…mga alaala ng bawat buhay na larawan na dulot ay kaligayahan
…mga alaalang kailanma’y di maglalaho abutan man ng pagbabago
Ano mang alat ng buhay ang pagdaanan
Saan ka mang lubog ng tubig mapatubog
…at gaano mang kalawang ang bumalot sa iyong paglalakbay
Kahit pa sa dako pa roon ang maabot ng iyong tanaw
Bigkis ng mga gintong butil ay patuloy pa ring aakap
Saan ka man iwasiwas ng bagwis ng kalayaan
Saan ka man tangayin ng duyan ng iyong pagsinta!
Hanggang sa muling pagkikita!!!!!!
Author notes
...this poem is in tagalog and intentionally for SIR KUYA RHULYX (june 5, 2008), one of our colleague (IRRI), friend, brother... who (sadly) will leave us for a new path...anyway we will miss him and wish him the best! thank you and goodluck sir kuya!...
