Di ka man si Darna
na may mahikang bato -
pero para sa akin
may kapangyarihan ka
Kasi nga nahuhulog ako
sa iyong matatamis na ngiti
Di mo ako sinusuntok
Di mo ako sinisipa
Pero ako’y nanghihina
sa tuwing ika’y masilayan.
Di ka man si Darna
na ubod ng kaseksihan -
pero para sa akin
ikaw ay dyosa
Sapat na sa akin
ang makinis mong balat
Sapat na sa akin
ang mahaba mong buhok
Sapat na sa akin
ang magaganda mong labi
Sapat na sa akin
ang iyong kabaitan.
Di ka man si Darna
na marunong lumipad -
pero para sa akin
isa kang magandang ibon
Kung tayo ay nag-uusap
kung tayo ay nagbibiro
tila ako’y nililipad mo
sa mahahanging alapaap
Sakay mo ako sa iyong
mahinhing boses
at alam kong kailanma’y
di ako mahuhulog.
Di ka man si Darna
pero para sa akin
ay superhero ka
Ikaw lang ang aking
aabangan sa langit
Ikaw lang ang aking
sisilipin sa mga tala
Ikaw lang ang mamahalin,
Super Gerlyn.
Please tell me what you think
Comments
-
haba ng hair ni Super Gerlyn...
napangiti mo ako
ang galing galing nito
Anna Lee


